All Saints Day

Anong meron sa loob ng kalabasa?
Anong meron sa loob ng kalabasa?

Napakaraming pumpkin (kalabasa)  sa anumang lugar dito sa amin. Iba-ibang anyo nilang kinukorte ang kalabasa, may nakakatakot, may nakakatawa at meron ding nakakainis. Masaya sa mga bata ang Halloween dahil ito ang araw na makapag trick-or-treat para makakuha ng kendi.

 

Naalala ko nung nasa Pinas ako, first year high school, sa araw ng mga patay nasa sementeryo kaming magkakaibigan para maglinis ng puntod at ayusin ang lettering sa mga puntod kapalit ng konting pera, pambili ng meryenda. Simple lang ang buhay noon. Nakikita kong maraming umiiyak sa sementeryo, at marami ding lasing. Sa mga umiiyak, 'di ko maramdaman ang sakit at kirot ng mawalan ng mahal sa buhay o kaya'y mawalan ng anak. Ngayon, alam ko na ang sakit na iyon dahil nawalan ako ng anak nu'ng 1999.

 

Ngunit sa kabila ng mga pangyayari, pinagkalooban ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para magampanan ko ang pagiging isang magulang. Si Jan ay dumating sa buhay naming mag-asawa.